Kinukunsinti si Joel Talisain ng kanyang among si Tata Rene kahit na sangkaterba ang nagrereklamo sa matanda ay alaws siyang pakialam. Basta ang important nakakatulog si Tata Rene kapag nagmamaneho si Joel Talisain. Si Joel Talisain ay personal driver pala ni Tata Rene kaya kahit na anong reklamo ng mga nasa airport ay bingi ang matanda. May hearing defect kaya si Tata Rene o talaga lang sigurong nag-uulyanin na?
Name dropper si Joel Talisain nagpapakilalang taga-Presidential Anti-Organized Crime Task Force ng Malacañang at kung minsan ay taga-Presidential Anti-Illegal Recruitment naman kung naninita ng mga OFWs sa paliparan.
Ipinahahanap ni Director Rey Jaylo ng PAIRTF si Joel Talisain at isang alyas Moon para kuwestiyunin tungkol sa pakulo at kagaguhan ng kamote. Hindi magkahiwalay sa baluktot na lakad si Joel Talisain at alyas Moon kapag nangingikil sa may departure area ng NAIA Terminal 1 gamit ang name ng PAIRTF kaya naman nanggagalaiti sa galit si Jaylo.
Lagot kayong dalawa, siguro nabalitaan ninyo ang dalawang magkapatid na Dutch national, kausap na ngayon si Satanas sa impiyerno.
Five hundred pesos everyday pala ang kubransa ni Joel Talisain sa may Customs zone dahil sa foreign rate na sinasabing naka-display diyan sa may arrival.
Inaangal kasi ng mga banks ang illegal na pagpapalit ng mga foreign currencies sa paliparan kaya naman walang magawa ang mga tekamots kundi ang mag-give sa gusto ni Joel Talisain. Itinatago ng ilang kamote sa airport ang kagaguhan ni Joel Talisain kahit matindi ang reklamo sa huli.
"Nagtataka ang mga kuwago ng ORA MISMO, bakit ang tibay ni Joel Talisain sa NAIA," anang kuwagong nakotongan.
"Siyempre matigas ang handler kasangga ang mga tekamots," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Mukhang alaws magawa si retired General Angel Atutubo sa kaso ni Joel Talisain at alyas Moon," anang kuwagong Kotong cop.
"Bakit?"
"Iyan ang itanong natin sa kanila, mga kamote!"