Ang Pilipinas ay madalas ding dalawin ng bagyo dahil tayo ay nasa tinatawag na "typhoon belt". Ayon sa record ng PAGASA, halos 20 bagyo ang bumabayo sa ating bansa taun-taon. Ito ang dahilan kung bakit mas mataas ang posibilidad ng mga pagbaha at pagguho ng lupa tulad ng nagaganap sa Aurora at Quezon noong nakaraang taon.
Dahil dito, kailangan nating paghandaan ang kalamidad upang maiwasan ang mga trahedyang dulot nito.
Nagsagawa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pamamagitan ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng isang malawakang pag-aaral upang tukuyin ang mga lugar na delikado at mapanganib. Sa pamamagitan ng Geohazard Map na ito makakapagplano ang mga ahensiya ng pamahalaan at LGUs upang maging ligtas ang mga residente at maiwasan ang pagkasira ng mga istruktura at mga ari-arian.
Ang resulta nito ay ang tinatawag na Geohazard Map na ipamimigay ng DENR sa lahat ng pamahalaang lokal upang matukoy ng balana ang mga pook na kailangan ang paghahanda lalo na sa panahon ng tag-ulan.