Mga dapat malaman tungkol sa indoor pollution

ANG polusyon sa hangin ay hindi lang nagmumula sa iba’t ibang klasipikasyon tulad ng: Mobile (yaong mula sa mga sasakyan), stationary tulad ng mga industriya o area tulad ng mula sa mga konstruksiyon, alikabok at iba pa.

Mayroon din tayong tinatawag na indoor pollution. Ang indoor pollution ay polusyong nanggagaling sa usok ng sigarilyo at tabako o pagluluto o mga singaw ng pintura at iba pa sa loob ng bahay o gusali na walang proper ventilation o exhaust.

Ang polusyong ito ay maaaring maging dahilan o magpalala sa ilang uri ng sakit gaya ng respiratory diseases tulad ng asthma at pamamaga ng baga o hypersensitivity pneumonitis.

Hindi lang sa kalusugan ng tao nakakasama ang mga pollutants na mula sa mga kabahayan kundi pati na rin sa kapaligiran. Kaya’t marapat lang na tandaan at maging maingat sana tayo sa mga ginagamit natin sa loob ng ating mga bahay na nakakadagdag sa pagkalason sa hangin.

Isang halimbawa rito ay ang motorized equipment. Kung bibili ng mga kagamitang de-motor tulad ng mga gamit sa konstruksiyon at farm, hanapin ang produktong hindi masyadong nagbubuga ng usok at dapat episyente sa pagkonsumo ng gas.

Tandaan din na kung gagamit ng gas, huwag hayaang matapon ito kung ilalagay sa mga motorized equipment. Maliban dito ang mga ginagamit na mga pintura, solvents at pesticides ay ibasura nang maayos. Huwag itapon ito sa mga lababo, sa lupa o kaya’y sa basurahan sapagkat nagtataglay ito ng mga kemikal na maaaring magdulot ng pinsala sa kalusugan at kapaligiran. Tawagan ang pinakamalapit na environmental agency para sa tamang pag-dispose rito.

Show comments