Naging tradisyon na lamang sa Simbahan mula ikalimang siglo na manatiling single ang mga pari. Pero ang mga unang Apostoles ay may-asawa. Pati ang unang Papa, si San Pedro, ay kasal. Sa kasalukuyan may mga paring Katoliko na may-asawa ay buo ang pahintulot ng Vatican: Sila yung mga paring Episcopal o Lutheran o Orthodox na dati nang kasal at nag-convert sa Katolisismo.
Hindi naman nilimita ni Kristo sa lalaki ang pagpapari. Ang pinaka-batayang utos ng Diyos ay nakasaad sa Bibliya, hindi ng Vatican councils o Papal encyclicals. May mga bersikulo sa Acts of the Apostles at sa Pauline letters na tumutukoy sa mga babaeng ministro. Nandun sina Tabitha (Acts 9:32), Lydia (Acts 16:14) at Priscilla (Acts 18:26). Sina Phoebe (Rom 16:1) at Nympha (Col 4:15) ay kinilalang mga dekano ng simbahan. Sa mga liham ni San Pablo, kapwa babaet lalaki ang tinutukoy na mga pari.
Naging mali na ang Simbahan noon. Bago mamatay si Copernicus nung 1543, in-excommunicate siya ng Vatican dahil sa pagturo na ang Mundo at iba pang planeta ay umiikot sa Araw, at hindi kabaligtaran na giit ng papa. Si Galileo, 90 taon ang lumipas, pinatahimik din ng Papa sa pagtuturo na bilog at hindi flat ang Mundo. At may Papa na hinati nung siglo-15 ang Mundo sa naval powers, Portugal at Spain. Sa paglipas ng panahon, nagbabago ang paninindigan ng Simbahan sa ilang mga isyu. Darating ang araw na papayag na ito sa family planning.