Ang mga nakapanood sa telebisyon ng inagurasyon ni Pope Benedict XVI ay nakita ang anggulo ng Vatican, hanggang sa malapitang pag-focus sa singsing ng Papa ay kitang-kita ng mga nanonood. Pati na rin ang napakagandang tanawin ng libu-libong taong nakilahok sa inagurasyon mula sa anggulo ng tuktok ng isa sa mga cupola ng St. Peters Basílica.
Ang inagurasyon ay nakakaantig dahil sa mga simbolong ginamit mga simbolong nagmula pa noong ika-apat na siglo: Ang pallium isang mala-lanang telang puti na may limang burda ng krus, na inilagay sa balikat ng Papa, na sumasagisag sa "pamatok ni Jesus" na ibig sabihin ay dala-dala o nakaatang sa mga balikat ng Pope ang tungkulin at gampanin na ginampanan dati ni Jesus ang Mabuting Pastol; at ang singsing kung saan nakatatak ang larawan ni San Pedro, ang unang Obispo ng Roma, na pinaghabilinan ni Jesus ng pangangalaga ng Kanyang mga tupa ganoon din ang susi ng kalangitan.
Bagamat mahaba ang Misa at sa wikang Latin, tiyak na lahat ng dumalo at mga nanood sa telebisyon na mga Katoliko ay naintindihan ang ibat ibang bahagi ng Misa, sapagkat iisa lamang ang buod at daloy para sa pandaigdigan Simbahan.
Pero sino nga ba si Pope Benedict XVI? Bakit iyon ang pangalang kinuha ni Cardinal Joseph Ratzinger? Bakit tinawag na "Lingkod ng mga Lingkod ng Diyos" ang Pope?
(Itutuloy)