Kamakailan ay nabanggit ko sa aking kolum na ipinatigil na ni Agriculture Secretary Yap ang research sa Vannamei sa Dagupan kung saan naroon ang kanilang hatchery.
Sa aming panayam, nangako rin si Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Director Sarmiento na ipapasunog ang mga natitira pang semilya ng ipinagbabawal na Vannamei sa kanilang hatchery
Alam naming nabulabog ang mga pulitiko sa likod ng kontrobersya sa pagpasok ng Vannamei sa ating bansa
Tulad ng una kong nabanggit, malalim ang pulitika sa likod ng eksperimentong ito dahil kataka-takang sa mga Taiwanese nai-award ang nasabing proyekto gayong wala pa namang bidding na nangyari
Umaasa ang BITAG at Bahala si Tulfo sa mga pangakong ito. Naway hindi ito tulad ng palabas ng ilang pulitiko na pamilyar na sa publiko
Sakaling matuloy ang binitiwang pangako ni BFAR Dir. Sarmiento, mananatili pa ring nakatutok ang aming grupo sa anumang aktibidades na may kinalaman sa pagpasok at pag-aalaga ng ipinagbabawal na Vannamei sa ating bansa.