Sa Pilipinas, ang Olango Wildwife Sanctuary sa Cebu ay itinalagang wetland na may international significance sa Ramsar Convention. Kabilang din ang Tubbataha Reef National Marine Parks sa Palawan, Naujan Lake National Park sa Mindoro at ang Agusan Marsh Wildlife Sanctuary sa Agusan del Sur.
Ang wetland convention ay isang kasunduan ng mga pamahalaan sa buong mundo na nagbibigay ng mga basehan para sa tamang paggamit at pagkokonserba sa mga ito. Ang convention sa wetlands ay pinasimulan sa Ramsar City, Iran noong 1971.
Naitala na higit sa 1,400 wetlands na sumasakop sa 120 million hectares sa buong mundo ang naisama sa Ramsar list.
Dapat nating malaman na ang wetlands ay ang pinaka-productive na ecosystem sa buong mundo kaya kung ating pababayaan at patuloy na sisirain ang ating biological diversity, simula na rin nating sisirain ang ating cultural