Subalit sa taong yun, nagdeklara ng strike ang unyon para sa mas maayos na kondisyon sa trabaho. Napatunayan namang legal ang nasabing strike. Subalit hindi makalimutan ng kumpanya ang ginawang strike ng unyon kung saan naniniwala itong naging sanhi ng pagkalugi ng kumpanya. Kaya, nang itinigil ng kumpanya ang pagbibigay bonus, iginiit nilang ang pagkalugi ay sanhi ng pinsalang naidulot ng strike sa negosyo. Tama bang ipagkait ng kumpanya ang bonus ng mga empleyado nito?
MALI. Ang bonus, hindi man isang obligasyon, ay dapat na ibigay sa mga empleyado lalo na at ito ay nailaan na sa kanila sa taong yun ng kumpanya. Bukod dito, tatlong taon nang nagbibigay ng bonus ang kumpanya kaya masasabing isa na itong ganap na kasunduan na bahagi ng suweldo ng isang empleyado.
Samantala, ang strike na ibinigay na dahilan ng kompanya ay napatunayan namang legal. (Phil. Educ. vs. CIR, 92 SCRA 381).