Para sa kaalaman ninyo mga suki, ang naturang gusali ay dating WPD Criminal Record and Investigation Divi-sion at sa tagal ng panahon ay muli itong ipinaayos ng kaibigan kong si P/Chief Supt. Pedro Bulaong ang kasalukuyang Director ng WPD na ayon sa aking narinig itoy ginastusan nang mahigit sa P9.2 million para isaayos at mapakinabangan ng mga bagong pulis-Maynila.
Bagamat nagmamadali si First Gentleman Arroyo ay pinuri naman nito ang liderato ni Bulaong sa maayos na pamamalakad ng naturang headquarter at nangakong magbibigay pa ito ng tulong upang ganap na mapunan ang mga pinansiyal na pangangailangan sa pagbabagong anyo ng naturang himpilan. He-he-he! Talagang galante si FG pagdating sa pangangailangan ng WPD.
Labis naman ang kasiyahan ni Manila Mayor Atienza sa kanyang nakitang pagbabago ng naturang lugar at kanyang ipinagsigawan ang labis niyang pagpuri sa mga kapulisan na nagsumikap na kanilang mga tungkulin upang magbigay ng siguridad sa buong lungsod.
Pinuri rin niya ang maagap na paghuli sa mga hinihinalang mga Muslim na gumagawa ng bomba na ikakalat nila sa paligid ng simbahan ng Quiapo sa loob ng isang gusali sa Agoncillo St., Ermita, Manila na nagtatangkang maghasik ng kaguluhan ngayong fiesta ng Quiapo na kung hindi ito nahuli maaring maraming mamamayan ang masasaktan.
Pinapurihan din ni P/Chief Bulaong ang mahalagang papel ni P/Sr. Supt. Elmer Jamias ang hepe ng Police Station 5 sa naturang pagsalakay at pagkahuli sa mga suspek. At dahil sa magandang koordinasyon ng buong tropa ng WPD naging matagumpay at walang taong nasaktan sa loob at labas ng naturang gusali.
Manilas Finest ang dapat tularan ng lahat ng distrito sa buong kapuluan, ito ang naging pahayag ni NCRPO chief P/Dir. Razon na naging director ng dalawang beses 1996-98 at 1999-2001. Sa kanyang talumpati sa harap ng mga retiradong pulis, government official, Barangay at buong tropa ng WPD.
Taas noong ipinagmalaki ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Ebdane ang liderato ni Bulaong sa pagganap nito sa kayang tungkulin. "Walang bombang sumabog sa buong lungsod sa loob ng taong 2004 at 91 porsiyento bumaba ang krimen at naresolba ang mga kaso at walang hijacking na naganap sa pamumuno lamang ni Gen. Bulaong, ang pulis at tunay na pulis-Maynila." He-he-he. Pagyayabang ni Ebdane sa kanyang talumpati.
Siyempre hindi mabubuo ang selebrasyon kung walang award di ba mga suki! At ang mga binigyan ng Heroes Award ay sina FG. Miguel Arroyo, Sec. Luisito Lorenzo, presidential Assistant on Job Placement; P/Dir. Avelino Razon, Maj. Gen. Vicente Vinarao, two times Director Bureau of Correction; P/Col. Felicisimo Lazaro, Pres. Retirees association; P/Col. Conrado Francisco, Dr. James Dy, Pres. Filipino-Chinese Charitable Association na malaki ang naiambag sa pamamagi-tan ng libreng ospital at gamot sa kapulisan.
At naging masigabo ang palakpakan ng paranga- lan ang lahat ng mga station commander at mga opisyal ng kapulisan at ang halos lahat ng Barangay Chairman ng lungsod. Sa tantiya ko mahigit sa 200 awardee ang pinagkalooban sa naturang okasyon.
Ang lahat ay Happy dahil sa magandang pagkilala ni Gen. Bulaong sa kanyang mga opisyal at tauhan upang mapanatili ang katahimikan sa kanyang distrito. Sa inyo mga awardees, congratulation na lang at keep-up the good work ika nga at sanay dagdagan pa ninyo ang sipag upang higit na papuri pa ang inyong matatanggap.