Ganoon pa man, kahit na magkaiba ang heavy drinkers at ang alcoholics, magkapareho lamang ang dadanasin nilang epekto sa katawan dahil sa walang taros na pag-inom ng alak. Apektado ang kanilang utak ng sobrang pag-inom. Nababawasan ng sobrang pag-inom ang sensitivity ng kanilang utak. Nagiging mahina o mapurol. Kaya kapag dumami ang nainom, ganoon din karami ang ibinibigay na epekto sa utak.
Ang sobrang pag-inom ng alak ay nakasisira sa personalidad. Makikita sa kaanyuan ng isang tao kung palainom siya ng alak. Marami rin sa mga palainom o sa mga alcoholics, ang kulang sa nutrition ang katawan. Karamihan sa kanila ay malnourished. The vast majority of their calories come from drink and their mental state often encourages nutritional neglect.
Nawawala ang vitamin B12 at thiamine at iba pang micronutrients dahil sa pag-inom ng sobrang alak. Nagkukulang sa thiamine ang katawan at ang resulta ay ang disorientation at ang mahinang memorya.
Ang pag-abuso sa alcohol ang nagiging dahilan para lumaki ang atay at maging fatty. Ito rin ang dahilan ng pagkakaroon ng cirrhosis. Ang cirrhosis ang nagiging cancer sa atay. Nade-develop ang cirrhosis sapagkat ang diet ng drinkers ay mababa sa protein, fatty acids, vitamins A, C and E, thiamine at zinc.