Juan Bautista

Sa ikalawang linggong ito ng Adbiyento, isinasalarawan ng Ebanghelyo si Juan Bautista – kung sino siya at kung ano ang kanyang misyon. Si Juan Bautista ang tagahanda at nagpahayag ng pagdating ng Mesias.

Basahin ang Lk.3:1-11.

Ikalabinlimang taon ng paghahari ni Emperador Tiberio. Si Poncio Pilato ang gobernador sa Judea, si Herodes ang tetrarka sa Galilea at ang kapatid naman niyang si Felipe, sa lupain ng Iturea at Traconite. Si Lisanias ang tetrarka sa Abilinia. Sina Anas at Caifas naman ang mga pinakapunong saserdote noon. Nang panahong ito’y nasa ilang si Juan na anak ni Zacarias. Dumating sa kanya ang salita ng Diyos, kaya’t nilibot niya ang mga lupain sa magkabilang panig ng Jordan at nangaral. ‘‘Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at kayo’y magpabautismo upang kayo’y patawarin ng Diyos,’ wika niya. Sa gayo’y natupad ang nasusulat sa aklat ni Isias na propeta: ‘‘Ito ang sabi ng isang sumisigaw sa ilang: ‘‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon, tuwirin ninyo ang kanyang mga landas! Tatambakan ang bawat lambak at titibagin ang bawat burol at bundok. Tutuwirin ang daang liku-liko at papatagin ang daang baku-bako. At makikita ng lahat ng tao ang pagliligtas na gagawin ng Diyos!’’


Marami ngang mga tao ang lumapit kay Juan upang pabautismo. "Kayong lahi ng mga ulupong! Sabi niya sa kanila, ‘sino ang nagbabala sa inyo upang tumakas sa kaparusahang darating? Ipakilala ninyo sa pamamagitan ng inyong pamumuhay na kayo’y nagsisisi. At huwag ninyong ipangahas na kayo’y anak ni Abraham. Sinasabi ko sa inyo, na mula sa mga batong ito ay makalilikha ang Diyos ng mga tunay na anak ni Abraham. Ngayon pa’y nakaamba na ang palakol sa ugat ng punongkahoy; bawat punungkahoy na hindi nagkakaroon ng mabuting bu-nga ay pinuputol at inihahagis sa apoy.’

At tinanong siya ng mga tao, kung gayon, ano po ang dapat naming gawin?’ ‘Kung mayroon kang dalawang baro, bigyan mo ng isa ang wala. Ganyan din ang gawin ng mga may pagkain, tugon niya.

Makikita si Juan Bautista sa disyerto. Pinangangara-lan at tinatagubilinan ang mga tao na pagsisihan ang kanilang mga kasalanan. Siya mismo ay nakadamit ng balat ng hayop. Ang kanyang pagkain ay pulot at balang. Ang estilo ng kanyang pamumuhay ay nakakakumbinsi. Marami ang napabautismo sa kanya sa Ilog Jordan. Ganoon niya inihanda ang mga Judio sa paghihintay sa pagdating ng Mesias.

Mapagkumbaba niyang inamin na hindi siya ang Mesias. Binautismuhan niya sila ng tubig. Subalit ang Mesias na darating ay babautismuhan sila ng tubig at ng Espiritu.

Ganito ang paraan ng paghahanda sa Mesias: Ang pagsisihan ang mga kasalanan. Isang mataimtim na paghahangad sa kanyang pagdating. Kapayakan ng pamumuhay.

Show comments