Nang malapit na si Natanael ay sinabi ni Jesus, "Masdan ninyo ang isang tunay na Israelita; siyay hindi magdaraya!" Tinanong siya ni Natanael, "Paano ninyo ako nakilala?" Sumagot si Jesus, "Bago ka pa tawagin ni Felipe, nakita na kita nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos." "Rabi, kayo po ang Anak ng Diyos! Kayo ang Hari ng Israel!" wika ni Natanael. Sinabi ni Jesus, "Nananampalataya ka ba dahil sa sinabi ko sa iyong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos? Makakikita ka ng mga bagay na higit kaysa rito!" At sinabi niya sa lahat, "Tandaan ninyo: makikita ninyong bukas ang langit, at ang mga anghel ng Diyos ay manhik-manaog sa kinaroonan ng Anak ng Tao!"
Ang binanggit lamang ni Juan sa Ebanghelyo ay ang mga anghel. Gaya nang nabanggit ko, si Gabriel ay nagpakita kay Maria. Sa Lumang Tipan, nandoon ang istorya tungkol kay Rafael na nagpagaling kay Tobit.
Anuman ang inyong pangangailangan, sanay matutunan ninyong lumapit sa mga arkanghel at mga anghel. Ipaalam sa kanila ang inyong mga pangangailangan. Tutulungan nila kayo. Maaari ring mangyari na ang ibang tao ay mga sugo ng mga anghel at mga arkanghel upang iparating o dalhin sa inyo ang tulong na inyong kinakailangan.