Hindi ko rin kayang sikmurain ang reklamo ng kanyang dating supervisor na si "Bert" na nakaranas ng kabastusan nitong si Dante.
Iba na ngayon ang nagmamay-ari ng "Eight Oclock" orange. Iba na rin ang pamamalakad at sistema ng naturang kompanya. Hindi tama na madamay ang kompanyang bumili ng "Eight Oclock" orange sa mga pinaggagawa nitong si Dante, nung siya pa ang nagmamay-ari nito.
Kapag nagsasagawa raw ng "supermarket visit" sa Baclaran kasama ang sale staff, walang pakundangan kung laitin ni Dante ang kanyang mga tauhang Pilipino.
Ugali raw nitong si Dante, kapag nasa Baclaran na sila, tinatanggal niya agad ang kanyang relong "Rolex." Diretsong ibinubulsa sa takot na baka ma-snatch. "Hindi puwede pagkatiwalaan mga Pilipino!" sumbat ni Dante.
Ayon kay Bert, kapag silay sumasakay na sa Lite Ace para bisitahin ang mga supermarket outlets, meron silang sinusunod na "seating arrangement" sa loob ng sasakyan.
Kinakailangan napapagitnaan si Dante ng kanyang mga Pilipinong tauhan. Kaliwat kanan, harap at likuran. "Ginagawa niya kaming mga human shield sakaling may mag-ambush sa kanya." Ani ni Bert.
Dagdag pa ni Bert, "kumbaga kaming mga Pilipino na hindi niya pinagkakatiwalaan ay ang magsisilbing kanyang panangga ng bala sa oras ng kagipitan para maiwasan si "kamatayan". Marami na raw kasing nasagasaan itong si Dante kayat nakikita ang kanyang pagiging segurista.
Kung pag-uusapan ang pagiging "sipsip" sa Palasyo ng Malacañang, lahat ng naging presidente simula kay Cory, Ramos, Erap hanggang kay GMA, kumpleto sa "photo files" itong si Dante.
Nakalimutan na yata ni Dante na ang lahat ng naging presidente ay mga Pilipino na kung tutuusin ay yung lahing hindi niya pinagkakatiwalaan.
Kaya pati ang Bureau of Internal Revenue (BIR), hindi niya pinagkakatiwalaan. Kaya ni singko wala itong ibinayad sa gobyerno.
Itoy nung naibenta niya ang kanyang kompanya sa halagang P1.9 billion, gayung ang tunay na halaga raw nito ay P150 million lamang, ayon sa kanyang accountant noon na si John C. Joven.
Ngayon nasa panahon ng "fiscal crisis" ang ating bansa, yung ipinagmalaki ni Dante na siya raw ang nagbayad sa pamasahe ng mga "in-laws" at "yaya" ng first family sa China trip kamakailan, hindi ibig sabihin lusot na siya sa utang niya sa gobyerno.
Kinakailangang umpisahan na ng BIR ang kanilang trabaho nang makalikom ng pondo para sa ating gobyerno.