Estilo daw nitong mandarugas na si Dante, tinuturuan niya mismo ang mga tauhan niyang nakawan ng sukat ng 1 inch ang eskaparate (shelves) ang kanilang competitor ang TANG, ayon na mismo sa kanyang dating sales supervisor.
Hindi daw gaano agresibo sa pagbibisita at pag-iinspeksiyon ang mga tauhan ng TANG sa kanilang mga puwesto. Kaya nagagawa daw ng mga tauhan ni Dante ang magnakaw ng 7 inches sa espasyo ng eskaparate na kanilang na kakumpetensiya sa isang linggo.
"Mr. Tulfo, product exposure ang pinag-uusapan dito, And the way to do it is to steal a space from your competitor. Ito ang tinuro sa amin ng mismong nagmamay-ari ng Eight oclock orange juice na si Dante ayon sa sales supervisor.
Dagdag pa nitong dating sales supervisor, kung pagsasama-samahin ang mga nanakaw namin sa eskaparate ng TANG, malaking pera ang kinita ng Eight oclock, courtesy of TANG nung mga panahong pag-aari pa ni Dante.
Maliban sa pagiging magnanakaw nitong bilyonar-yong si Dante, BASTOS daw ito sa kanyang mga tauhan. Parang mga baboy kung tratuhin niya ang kanyang mga tauhan. May estilong naghahanda raw ng pakain itong si Dante para sa kanyang sales people.
"Mr. Tulfo, out of courtesy, kahit masama yong pagkain, were polite not to show it to Dante. And instead show our appreciation by tasting a little bit of the shit against our will.
Hindi ko makalimutan yong isang kasamahan namin, naawa ako. Ang kasalanan niyay tumikim siya. Nung makita ito ni Dante, mismo sa harap namin, sinumbatan siya. Sinigawan daw ni Dante, sana yong lamon mong yan, matumbasan mo sa iyong pagbebenta! itutuloy