Ayon sa aking bubuwit, 110 days na lang at Pasko na naman.
Happy birthday muna kay Cong. Jesli Lapus ng Tarlac, Dra. Juanita Janet Lee ng Lourdes Hospital, Reynel Academia, Ronalyn Labrada, Aiza Cabute at Christian Jay Federico.
Ayon sa ating bubuwit, galit na galit ngayon ang isang jueteng Queen dahil gustong sulutin ng isa pang jueteng lord ang kanyang teritoryo. May kanya-kanya na pala silang teritoryo subalit gumagamit ngayon ng impluwensiya itong isa pang gambling lord upang mapalawak pa ang nasasakupan.
Simula nang maging governor si jueteng lord ay ginamit ngayon ang kanyang impluwensiya. Kinausap ang isang mataas na opisyal ng Philippine National Police sa kanilang region upang palawakin pa ang kanyang jueteng operations.
Dati-rati noong siya ay mayor pa lamang, ang kanyang probinsiya lamang ang pinagdarausan ng jueteng. Subalit ngayong governor na siya, pati ibang probinsiya ay gusto na ring pasukan.
Paging DILG Sec. Angelo Reyes.
At upang sumang-ayon ang nasabing PNP officer sa kagustuhan ni Gob, dinoble pa diumano ng jueteng lord ang intelihensiyang ibinibigay ni Jueteng Queen.
Kung dalawang milyong piso ang ibinibigay ni jueteng queen sa police officer, ginawa namang apat na milyon ni governor.
Wow, hanep namang intelihensiya at sulutan yan.
Dahil sa ganitong sitwasyon, nag-aaway ngayon ang nasabing jueteng queen at jueteng lord na parehong taga-Southern Tagalog region.
Hanep, matindi pala ang labanan ng mga jueteng lords diyan. At suwerte naman itong police officer dahil doble-doble ngayon ang kanyang kabig o intelihensiya.
Meron na siya mula kay jueteng queen at meron pa siya mula kay jueteng lord.
Ayon sa aking bubuwit, ang dalawang jueteng lord na nag-aaway ngayon sa kanilang area of operations ng jueteng ay sina
Ang sabi ni jueteng Queen, Iyo ang Batangas, akin ang Quezon.
Ang dalawang jueteng lord na nag-aaway ngayon dahil sa sulutan ng jueteng operations sa Southern tagalog region ay sina Batangas Gov. Armand Sanchez at Jueteng Queen Charing Magbuhos ng Quezon.