Ilang president na ng Pilipinas ang nangakong susupilin ang mga ito. Subalit, sa halip na mawala o mabawasan, lalo pang sumidhi at nadagdagan pa ang mga ito.
Ang mga ito ang dapat tutukan ng pamahalaang Arroyo. Maliban sa mga ito, dapat ring harapin ni President Arroyo ang iba pang mga malalaking problema ng bansa. Marami pa rin ang nagugutom, at walang hanapbuhay. Kailangan pang mangibang bansa para makapagtrabaho.
Maganda ang mga plano ni Arroyo sa bansa. Subalit kailangan niya ang mga magagaling na katulong sa pagpapatakbo ng pamahalaan. Ngayoy binabantayan ng taumbayan ang mga inilalagay ni Arroyo sa kanyang bagong Gabinete.
Pero, dismayado ang taumbayan. Mali- ban sa appointment ni Sec. Ed Ermita bilang Exec. Sec. at Sec. Bert Romulo sa Department of Foreign Affairs, ang iba raw ay question mark. Sinasabi nila na ang ibang appointment ay pambayad-utang lamang at hindi batay sa tunay na kuwalipikasyon. Mrs. President, may pangako ka sa mamamayang Pilipino na iaangat ang kalagayan ng bansa. Ikaw ang mananagot sa taumbayan sa mga magiging aksyon ng mga taong itinatalaga mo.