P81,000 hindi P18,000 ang halaga ng stereo ng Chedeng na sinisingil ng Europhil sa kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO, kaya P41,000 ang downpayment ang ibinigay sa kompanya at ang balance ay kapag lalabas sa kasa ang tsikot.
Sa Germany, oorderin ang stereo ng tsikot kaya saksakan ito ng tagal.
Maraming explanation na ginawa ang Europhil sa kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO, para ayusin ang nasirang stereo.
Nagbigay ng quotation si Simon King samantala si Winston King ang siyang trouble shooter ng Europhil.
Si Simon at Winston ay mag-utol, dear readers!
Wala naman palag ang mga kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO, kundi ang magyad-ba.
Saksakan ng tagal bago tumawag ang Europhil sa kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO, para sabihin na hindi pala stereo ang sira kundi ang cluster echetera dahil ito daw ang advice sa kanila ng Germany.
Kaya panibagong quotation ang ginawa ulit ng Europhil, mahigit sa P350,000 ang kabuuang halaga ng mga spare parts na papalitan sa tsikot puwera dito ang stereo.
May tsekeng P41,000 hawak ang Europhil galing sa kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO, kaya hindi na nag-down pa ito sa una.
Magkakilala na kasi ang Europhil at kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO.
Mahigit sa dalawang buwan naghintay ang kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO, para gawin ang kanilang tsikot dahil sa inis at ubod ng tagal lumipat ito sa ibang kumpanya para doon na ipagawa ang nasabing Mercedes Benz.
Kapos ulit ang Chief Kuwago kaya sa Huwebes ulit, anang kuwagong urot.
Gumaganda ang isyu sa Europhil sabi ng kuwagong mangangamote.
Abangan natin ulit ito, tekamots."