Ang pag-akyat kay Maria sa langit

SI Maria ay nasa langit na – ang kanyang katawan, kaluluwa at espiritu. Sina San Ignacio at San Francisco Javier ay nasa langit na rin ngayon ngunit ang kanila lamang espiritu ang masaya sa piling ng Diyos.

Gaya ng ating sinasabi sa panalangin ng Sumasampalataya, naniniwala tayo sa pagkabuhay na muli ng ating mga katawan. Para kay Jesus at Maria, sila ngayo’y ganap na maligaya kapiling ng Ama (Lk. 12:32-34).

"’Huwag kayong matakot, munting kawan, sapagkat ikinalulugod ng inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian. Ipagbili ninyo ang inyong ari-arian at mamigay kayo sa mga dukha! Gumawa kayo ng mga lukbutang hindi naluluma, at mag-impok ng kayamanan sa langit, na hindi nakukulangan sapagkat doo’y walang makalalapit na magnanakaw at walang makapaninirang tanga. Sapagkat kung saan naroon ang inyong kayamanan ay naroon din naman ang inyong puso.


Ito ang pinaikling bersiyon. Ang iba pang teksto ni Lukas ay nagsasabi sa atin na palagi tayong maging handa. Hindi natin alam kung kailan hihingin sa atin ng Tagapaglikha na ibalik sa kanya ang buhay na ipinahiram sa atin.

Ang pagiging nasa langit ni Maria, katawan at kaluluwa, ang nagbibigay sa atin ng pag-asa at galak.

Show comments