Ang inyong asosasyon ang mangungutang at magsisilbing may-ari ng lupang bibilhin hanggat hindi pa nahahati-hati ang titulo nito. Sa CMP ang mga pamilyang kasapi ay maghuhulog buwan-buwan sa loob ng hindi hihigit ng 25 taon upang mabayaran ang pagkakautang. Ang utang ay papatawan ng 6 percent lamang kaya hindi ito kabigatan.
Ang karapatan ng bawat kasapi o benepisaryo sa lupa at kanyang pag-aari ng bahagi nito ay nababatay sa isang kasunduan niya sa samahan. Ito ay tinatawag na Lease Purchase Agreement.
Mismo ang lupang nabili at bahay na ginastusan ng pautang ang siyang magsisilbing kolateral o panagot sa utang sa CMP.
Para sa karagdagang impormasyon, maaari kayong tumawag sa CMP 892-5760.