Nang tanggapin ni Lorenzo ang offer ni GMA na maging secretary para bumuo ng isang milyon na trabaho, maaari nating sabihin na malaking self-sacrifice ang ginawa niya at idinistansiya niya ang sarili sa multi-national company na Del Monte at banana exporter na La Panday. Subalit nang maupo siyang Agriculture Secretary eh kung anu-anong irregularities na ang kinasangkutan niya. Kabilang na rito ang pag-divert ng P10 million na pondo para sa nasira sa fisheries ng El Niño phenomenon; ang pagsingil sa gobyerno ng P100,000 monthly expenses ng isa sa kanyang mobile phone sa pamamagitan ng Quedan Rural Credit Guarantee Corporation at ang pag-designate ng mga assistants sa mga major offices ng DA. Hindi ba iniutos mo na Madam GMA ang pagsibak sa mga assistants na ito matapos kasuhan ng P5 million extortion case ni vegetable exporter na si Henry O itong sina Jesus Varela, Joem Macaspac at iba pa? Si Varela ay assistant ni Lorenzo sa DA administration and finance samantalang si Macaspac ay sa special projects at import permits, he-he-he! Lutong makaw ang gobyerno dito.
Sa 20 months niya sa DA, ilang beses ding nagpakita ng conflict of interest itong si Lorenzo lalo na sa negosyo ng kanyang pamilya sa halos lahat ng sectors ng agribusiness industry tulad ng saging at pineapple, livestock, fishery, high-value crops at gulay (lettuce), anang mga DA employees. Marami umanong vegetable traders ang nagsasabing hinihikayat sila ni Lorenzo na bumili ng lettuce sa La Panday.
May balita pa na pinipilit din ni Lorenzo ang kanyang kapwa opisyal ng gobyerno na payagang pumasok sa bansa ang mga smuggled vegetables galing China para ang shipment ng La Panday na saging ay payagan ding makapasok sa naturang bansa. At ano ang say ni Lorenzo sa akusasyon ng mga DA employees na ang mga pang-araw-araw na gastusin niya ay doon niya kinukuha sa 30 DA bureaus, regional field units, attached agencies at corporations? Ang hindi alam ni GMA, ang pag-appoint niya kay Lorenzo sa Land Bank of the Philippines (LBP) ay naging pabor pa sa kanya. Sa kasalukuyan kasi, ang La Panday ay nagpa-process ng P1.5 billion loan sa banko maliban pa ito sa existing loan nito na P700 million. Abangan!