Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Tourism Undersecretary Rolly Reyes, Rep. Roquito Ablan Jr. ng Ilocos Norte; Col. Virgilio Pablo, Sr. Supt. Eduardo Sebastian, Fr. John Parago ng St. Joseph Parish, Editha Gonzaga-Arias at Erwin Tulfo ng ABS-CBN.
Naku, Mr. Vic del Rosario, mukhang napapabayaan mo na itong Hot Babes na ito at nag-iba na ng linya ng hanapbuhay.
Ayon sa aking bubuwit, mahina na ngayon ang raket ng Sexy Hot Babes kaya naghanap ng ibang sideline.
Kung ikukumpara kasi si Sexy Hot Babes sa mga bagong miyembro ng Viva Hot Babes, medyo natatabunan na ang kanyang beauty.
Kasi may nadagdag na German mestiza sa kanilang grupo, meron pang American mestiza at talaga namang higit na mas magaganda ang hitsura at pigura kumpara sa kanya.
Hindi katulad noong lima pa lang ang miyembro ng Viva Hot Babes, siya ay kasama sa mga sikat.
Maniniwala ba kayong umabot na sa P50,000 ang kanyang bayad?
May kakaibang bisyo kasi si Sexy Hot Babes. Siya pala Mr. Vic del Rosario ay bumabatak. Upang matugunan ang kanyang bisyo, bukod sa kanyang pagbebenta ng short time na aliw, siya ay nagbubugaw na rin.
Ang Viva Hot Babes na nagbubugaw ng mga chiching ay walang iba kundi si
Siya ay morena, malaki na rin ang kanyang bumpers matapos magpadagdag at sexy. Siya ay anak ng isang tauhan ng Philippine National Police.
Napabayaan siya ng kanyang mga magulang kaya nabarkada, nag-drugs at napilitan na ring mag-bold hanggang sa magbenta ng panandaliang aliw.
Karamihan pala sa kanyang mga customer ay mga government officials.
Siya ay si Viva Hot Babes Ms. C as in Canton.