Ika nga, pilay at lupaypay ang pahinga ng gobyerno sa grupo ng mga economic saboteurs! Take note! BIR bossing Willy Parayno, Your Honor.
Sabi ng bulong brigade sa mga kuwago ng ORA MISMO, galing daw sa UAE at Singapore ang shipments.
Kailangan palang masuri ang smuggled oil products para matiyak ng Philippine government kung safe ito sa health ng mga Noypi.
Iyong sulfur content kasi ang important dito. Tama ba, Energy Secretary Vince Perez, Your Honor?
P1.60 ang bayad pala dapat sa specific tax kung idadaan ng mga kamote sa tamang proseso ang kanilang puslit na products.
Kaya billion of pesos ang nawawala sa government! Pakibusisi please, Prez Gloria.
From mother vessels isinasalin pala sa barge ang puslit na produkto at mabilis na inilalayag papuntang Bataan at Pandacan.
Mula sa barge inilalagay naman ng mga kamote ang kanilang supply sa mga tanker na naghihintay sa kanila sa usapang lugar.
Kung seryoso lang ang pagsita ng ating mga tuta este mali mga awtoridad pala sa ating ikinukuwento presto huli ang mga kamote.
Kaso ang ibang tuta este mali authorities ay nakapatong pala rito.
Dahil may tsapit, wala nga namang mahuhuli ang mga tuta este mali mga authorities pala.
Malaki bang pera ang pinag-uusapan natin? tanong ng kuwagong gahaman sa salapi.
Hindi ka ba nakakaintindi billion of pesos ang nawawala sa gobyerno rito, sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Ano ang dapat natin gawin? tanong ng kuwagong pulis na naglalanggas ng galis.
"Arestuhin ang mga kamote at ikalaboso para magtanda.
Palagay ko maraming magagalit sa atin, anang kuwagong Kotong cop.
Bakit?
Tatanggalan kasi natin sila ng delihensiya.
"Dapat lang si Juan dela Cruz ang mahihirapan dito!
Maganda ang idea mo pero maraming mga kamote ang hindi papayag sa gusto mo.
Korek ka diyan, kamote.