Walong araw pagkatapos sabihin ito, umakyat si Jesus sa bundok upang manalangin. Isinama niya sina Pedro, Juan at Santiago. Samantalang nananalangin siya, nagbago ang anyo ng kanyang mukha, nagningning ang kanyang kasuutan na naging puting-puti. Biglang lumitaw ang dalawang lalaki at nakipag-usap sa kanya sina Moises at Elias na nagpakitang may kaningningan. Pinag-usapan nila ang nalalapit na pagpanaw ni Jesus na magaganap sa Jerusalem. Tulog na tulog si Pedro at ang kanyang mga kasama, ngunit silang biglang nagising at nakita si Jesus na nagniningning at ang dalawang lalaking nakatayo sa tabi niya. Nang papaalis na sa tabi ni Jesus ang mga lalaki, sinabi ni Pedro sa kanya, "Guro, mabuti pay dumito na tayo. Gagawa po kami ng tatlong kubol: Isa sa inyo, isa kay Moises, at isa kay Elias." (Ang totooy hindi niya nalalaman ang kanyang sinasabi.) Nagsasalita pa siya nang liliman sila ng isang alapaap, at silay natakot nang matakpan nito. At may isang tinig mula sa alapaap na nagsabi, "Ito ang aking Anak, ang aking Hinirang. Siya ang inyong pakinggan!" Nang tumigil ang tinig, nakita nilang nag-iisa na si Jesus. At hindi muna sinabi ng mga alagad kaninuman ang kanilang nakita; sa halip ay inilihim ito.
Isinama ni Jesus si Pedro, Santiago at Juan upang masaksihan ang pagbabagong-anyo niya, sapagkat kakailanganin nila ang ganitong karanasan kapag dumaan na si Jesus sa kanyang pasyon. Ang pagbabagong-anyo ay isang pakita sa Pagkabuhay na Mag-uli. Ang Pasyon at Pagkabuhay na Muli ang misteryo paskuwalay ang Mabuting Balita ng Ebanghelyo. Sa kapangyarihan ng Nabuhay na Muling si Jesus, tayo rin ay mabubuhay na muli kasama Niya.
Tayo ay isang sambayanan na may pag-asa. Subalit dapat tayonga makibahagi sa krus ni Jesus upang makabahagi rin tayo sa kanyang Pagkabuhay na Muli.
Iyan ang ibinibigay sa atin ng Pagbabagong-anyo at Pagkabuhay na Muli ni Jesus.