Sumali sila sa Dragon Boat race. Taunang karera ito ng professional boat racers, mga mayayamang may-ari ng yate at limousines. Tanyag ang karera sa buong mundo. Kuntodo ang news coverage sa mga Puti at Tsino na sumasali. Maliit lang ang premyo, pero prestihiyot trophy ang pinag-lalabanan. At ang prestihiyot trophy na yon ay napasakamay ng tropa ng Pinay domestic helpers.
Ini-small ang mga DH sa Hong Kong. Isip ng mayayaman, mga kapit-patalim lang ang umaalis sa sariling bansa at iniiwan ang pamilya para mamasukan sa mababang trabaho. Pati mga di-mayamang taga-rito nakiki-small sa mga DH. Hindi raw nila ginagawa ang maruming linya ng DHmaglinis ng kubeta at puwit ng alagang baby o among ulyanin.
Puwes, pinakitaan sila ng mga Pinay DH. Nakakatawa pa nga ang balita ng CNN: Isa sa kanila ay ni hindi marunong lumangoy. Butit hindi malakas ang hangin at malaki ang alon; kung nagkataoy baka nahulog siya at nakalulon ng tubig-alat miski naka-life vest. Puro amateur boat racers ang mga Pinay. Pero buo ang loob nila, batay sa pangalan ng tropa: Bulldog Mabuhay Boat Team.
Totoot kapos sa buhay ang mga Pinay, kaya dito namasukang DH miski may mga titulong BS education o commerce. Pero hindi sila dapat maliitin. Kundi dahil sa kanila, mapipilitan maiwan sa bahay ang mga ina, para mag-alaga ng bata, maglinis ng apartment at magluto. Kundi sa kanila, hindi matututo magdasal ang mga bata, at magbasa ng Ingles.
Pero isang hakbang papataas pa ang ginawa ng Bulldog Mabuhay team. Pinasukan nila ang larong pang-mayaman at pang-lalaki-at nanaig sila. Ika ni Veronica Pedrosa matapos basahin ang CNN news item tungkol sa nagwaging Bulldog Mabuhay team: "They sure make me feel proud to be Pilipino."