Senador naghahanap ng maganda at dalagang bodyguard

ALAM n’yo bang naghahanap ng magandang close-in security ang isang senador?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Tourism Sec. Roberto ‘‘Obet’’ Pagdanganan; Rep. Joey Hizon ng Manila; Ms. Lala Maniquis, Violeta Reyes, Bro. Freddie Martinez at Ma. Gamela Cruz.
* * *
Alam n’yo bang naghahanap ngayon ng maganda at seksing bodyguard ang isang senador?

Ayon sa aking bubuwit, nababahala ang naturang senador sa kanyang kaligtasan kaya nagpapahanap ngayon ng bagong bodyguard. Subalit ang hinahanap niyang close-in security ay babae at hindi matipuno at maskuladong lalaki. Bakit kaya ayaw niya ang lalaking katulad ni Mr. Bodyguard ala Kevin Costner?

Ayon sa aking bubuwit, ang tipo ng babaing bodyguard na hinahanap ni Senador ay dalaga at kailangan ay on-call sa loob ng 24 oras. Kailangan ay maganda at hindi masyadong mahaba ang buhok, smart, listo, magaling sa martial arts at kailangang closed shoes ang parating suot.

Ayon sa aking bubuwit, dahil nawalan ng trabaho ang isang lady staff ni former Sen. Gringo Honasan, nag-aaply ito kay Senador. Nagbigay ng kanyang resume at siyempre ininterview mismo ng senador. Kaya lang hindi natipuhan ni Senador ang dating tauhan ni Honasan.

Ayaw pala niya sa medyo tomboyin at chubby. Ang gusto ay maganda ang personality at saka yun daw pagka-kasabay niya ay hindi halatadong bodyguard.

Gusto niya yata ay katulad ng ilang babaing Secret Service ni President George Bush na matatangkad, sexy at magaganda.

Kaya lang, sabi naman ng aking bubuwit, ang gusto yata ni Senador ay hindi bodyguard kundi siyota. Yon bang two-in-one ‘ika nga. Bodyguard na, lover pa.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, hindi pa nakakahanap si Senador ng lady bodyguard, kaya baka may mga magagandang WAC diyan o kaya ay chiching na maganda, sexy at magaling sa martial arts, puwede kayong mag-apply sa senado. Kung magkano ang suweldo, hindi pa napag-uusapan.

Depende na siguro sa mapagkasunduan nila sapagkat hindi naman problema sa kanya ang pera.

Diyos ko, sa yaman ng senador na ito ay kayang bumili ng taga-Comelec nito. Kaya rin niyang bumili ng asawa kung gugustuhin niya, kahit artista pa.

Ang senador na nangangailangan ng lady bodyguard na maganda, sexy, matangkad at hindi mahaba ang buhok na tulad niya ay si…

Siya ay si Sen. J. as in Joborcia.

Show comments