Dalawang taon na akong miyembro ng Pag-IBIG Overseas Program (POP) bilang isang seaman. Buwanan akong naghuhulog ng kontribusyon at hindi pumapalya.
Maari ko bang malaman kung kailan ko puwedeng i-withdraw ang aking kontribusyon? Saan kaya ako puwedeng mag-withdraw? Paano ko po malaman kung magkano na ang kabuuang kontribusyon ko? WILLIE NG, Jeddah, Saudi Arabia
Maaari mong i-withdraw ang iyong kontribusyon sa POP sa mga sumusunod na kadahilanan lamang:
1. Magbibitiw sa trabaho dahil sa pangkalusugang kadahilanan.
2. Total disability
3. Pagkasira ng utak o insanity
4. Pagkamatay
5. Membership maturity ng lima o sampung taon.
Maaari kang mag-file ng withdrawal ng kontribusyon sa POP Office at Branch office at Pag-IBIG Overseas Office. Dalhin lamang ang orihinal na kopya ng POP Passbook at inyong aplikasyon. Magdala rin ng SPA kung kayo ay representative ng miyembro.
Sa internet, bisitahin ang www.pag-ibigoverseas.com para malaman ang kabuuang halaga ng kontribusyon.