Kaso ni Manila Vice Mayor Danny Lacuna nasa Ombudsman na

SANGKATUTAK na kaso ang isinampa ni Joey Venancio, NPC Director at publisher ng diyaryong Saksi sa tanggapan ng Ombudsman versus Lacuna. Sa dami ng kasong isinampa kay Lacuna, conduct unbecoming of public official lang ang natandaan ng mga kuwago ng ORA MISMO. Take note, Manila Mayor Lito Atienza, Your Honor! Limang araw pa pala bago malaman ang docket number kaya relax lang muna ulit sa Café de Malate, Vice?

Habang nasa Ombudsman ang mga kuwago ng ORA MISMO, sangkaterbang text messages ang natanggap ni Venancio sa kanyang cellphones. Panay death threats! Hindi naman solo flight si Joey nang dumating sa Office of the Ombudsman kahapon ng hapon kasama nito si Mr. Jerry Yap, NPC Director, Vice Chairman, Committee on Press Freedom at Vice Prez ng NAIA Press Corps Inc. Ika nga, sinuportahan ni Jerry si Joey! Kaya happy sila ng magkita. Ika nga, nakangiti, abot hanggang tenga! He-he-he!

Magandang kaibigan pala itong si Director Jerry Yap, hindi nang-iiwan ng friend! Mabuhay ka Doctor Yap este mali Director Yap pala.

Balik isyu, matindi kasi ang ginawa ni Lacuna kay Joey noong July 9, 2004, Biyernes ng gabi inside Café de Malate, kasi hinamon nito ng away, pinagmumura at halos pagtulakan daw si Venancio nang maulol este mali nang magwala sa KTV bar.

Ang gaganda ng babae dito at flawless, Inday Bandido este mali Badidoy pala. Ang pinakamasakit kay Joey saksakan ang dami ng tao ng mga oras na iyon at ngayon lang pala siya nalalaki sa talambuhay niya. Parang pinagsasampal ito ng mura sa mukha. Nagtalsikan ba ang mga laway he-he-he! Just asking Director Joey?

Pero sa totoo lang hindi pala talagang papatulan ni Joey si Vice ng mga oras na iyon hindi siya ulol este mali naloloko pala dahil alam ni Director Venancio na malalaki ang mga aso este mali security escorts pala ang nakabuntot kay Vice kahit saan sulok ng Café de Malate ito magpunta? Ika nga, presidente ang dating. Sabi ni Joey, ang ikinagalit ni Vice sa kanya ay nang isulat niya ito sa Saksi tungkol sa umano’y ill gotten wealth nito.

Natiyempung eleksiyon pa pala noon sa Manila. Ang sabi ni Joey, nagsampa ng kasong libelo si Lacuna laban sa kanya kaya ano pa ang dapat nitong ipagmaktol nasa Korte ang kaso. Desisyon lang ng court ang hinihintay para malaman kung sino ang right or wrong.

‘‘Balat sibuyas ba si Lacuna?’’ tanong ng kuwagong fixer sa DFA.

‘‘Ewan hindi ko alam,’’ sagot ng kuwagong manananggol.

‘‘Gusto bang busalan ni Lacuna ang media para hindi ma-out of tune ang mga songs nila?’’ anang kuwagong Kotong cop.

‘‘Iyan ang hindi ko alam,’’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Eh bakit nagwala si Vice Mayor Danilo Lacuna sa Café de Malate?’’

‘‘Ewan nga, eh!’’

‘‘Ano ang magandang gawin para hindi na lumala ang issue?’’

‘‘Baka naman umatras si Venancio pagdating ng pukpukan,’’

‘‘Diyan masasagot kita.’’

‘‘Nang ano?’’

"Itanong mo kay Venancio ang tinatanong mo, kamote,’’ he-he-he!

Show comments