Ang siste lang, lumapit pa rin si Jun Lim kay Comelec chairman Benjamin Abalos Sr. para padrinuhan siya kay Velasquez, ayon sa mga nakausap kong taga-Mandaluyong. Pati miyembro ng City Council at ang number 1 fan ng mga Abalos na si Myrna Leuterio ay pumanig na rin kay Lim, he-he-he! Mahirap palang pasukuin si Jun Lim, no mga suki? Kaya lang nanindigan si Velasquez na hindi naman niya kagustuhan ang sinapit ni Jun Lim. Anang kausap ko, pinadalhan ni Velasquez si Chairman Abalos ng mga directives galing sa Camp Crame na ipinagbawal na ang hindi taga-Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (AID-SOTF) na mag-operate laban sa droga. Kahit mga pulis sa ibang unit maliban sa AID-SOTF ay pinagbawalan itong mga anti-vice unit pa kaya ni Jun Lim na nagpupulis-pulisan lang? Ang mga bagong direktiba ni Deputy Director Gen. Edgar Aglipay, ng AID-SOTF ay naglalayon na mapatigil na ang laganap na kasong bangketa, kalawit at extortion na kinasasang-kutan ng mga rogue cops.
Sana matuwa sina Jun Lim at Boy Tuso este Boy Muso sa pagkatanggal ng trabaho laban sa droga dahil masalimuot ang problemang ito. Kung hindi kaso, tiyak malalagay sa alanganin hindi lang ang buhay nila kundi maging ang kanilang pamil-ya kapag malalaking isda ang naapakan nila. Bakit nagpipilit itong si Jun Lim na makisawsaw na ang anti- vice sa laban sa droga, eh karamihan sa mga tauhan niya ay sibilyan na mahilig lang magkunwaring pulis nga? Malaki ba ang nawala sa bulsa natin? He-he-he! Wala nang iniisip na ibang dahilan ang taga-Mandaluyong na nakausap ko kundi ang pera.
At dahil sa paglapit ni Jun Lim kay Chairman Abalos, lalong lumakas lang ang ugong na siya talaga ang kolektor ng mga Abalos sa mga ilegal. Ano ba yan?
Ayon sa taga-Mandaluyong, kung ang turing ni Gonzales kay Chairman Abalos ay parang pangalawang ama, aba parang panganay na anak naman ang pagtingin ng huli kay Jun Lim, kaya malaki ang paniniwala nila na dahil lamang kay Jun Lim at magkakahiwalay ng landas itong mga Abalos at Mayor Gonzales. Abangan.