Grave threat ang reklamo ng Chief Kuwago kay Capt. Ramon Policarpio.
Nagtataka ang mga kuwago ng ORA MISMO kung bakit pinagbantaan ni Capt. Ramon Policarpio ang buhay ng Chief Kuwago.
Binakbakan kasi ng mga kuwago ng ORA MISMO ang mga anomalyang pinaggagawa nina Ric Water, ang utak ng mga sindikato sa Subic Customshouse at Lt. Poly-poly-ling, ang asong baboy ng una.
Ang dalawang kamoteng ito ang target ng mga kuwago ng ORA MISMO para mahuli ng Anti-Smuggling Unit ng Malacañang.
Pero bakit si Capt. Ramon Policarpio ang pumiyok sa Chief Kuwago?
May kinalaman ba siya sa mga banat at pagbubulgar ng mga kuwago ng ORA MISMO tungkol sa smuggling activities nina Ric Water at Lt. Poly-poly-ling.
Ang grupo ni Lt. Poly-poly-ling ay nagbanta rin sa Chief Kuwago na may mangyayaring masama kapag hindi tumigil ang daliri nito sa computer ng kasusulat ng mga anomalies sa kanyang dyaryo.
Hindi naman pinansin ng mga kuwago ng ORA MISMO ang pananakot ni Lt. Poly-poly-ling dahil puro hangin lang ang laman ng utak ng huli.
Kaya nagtataka ang mga kuwago ng ORA MISMO kung bakit naman pumasok sa eksena itong si Capt. Ramon Policarpio at pinagbabantaan pa umano ang Chief Kuwago.
"Alam mo Capt. Ramon Policarpio, dati nang takot ang Chief Kuwago kaya wala itong kagatul-gatol na magbulgar ng mga anomalya sa gobyerno," anang kuwagong urot.
"Trabaho lang ito at walang personalan!"
"Sanay nang tumanggap ng pananakot ang mga kuwago ng ORA MISMO dahil matagal na tayong pinagtatakot ng mga taong nasasagasaan natin sa kanilang mga pinaggagawang katiwalian," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Isang tao lang ang kinatatakutan ng Chief Kuwago sa mundo asawa niya kaya huwag kang tumulad dito," sabi ng kuwagong Kotong cop.
"Ang watot kasi ng Chief Kuwago ay mahal niya, ikaw hindi!"
"Sa AOCD-NBI ka na lamang magpaliwanag para malaman nila kung totoo ang mga pinagsasabi mo sa mga asset ko."