Hindi pa rin natatagalan naiulat ang limang kaso ng carnapping ng mga Pajero na naganap sa loob ng ilang araw. Ang Pajero ni Jesus Go na nakaparada sa hara-pan ng opisina ng Ombudsman. Tanghaling tapat nang makarnap ang Pajero ng broadcaster na si Gani Oro. Ang sasakyan na may plate No. UFJ 271 na kulay asul ay nakaparada sa harap ng bahay ni Oro sa Mindanao Avenue, Quezon City.
Marami na ring kaso ng carnapping ang naganap sa isang malaking shopping mall sa Fairview. Matatandaan na ang Pajero ng actress-singer na si Aiza Seguerra ay nakarnap sa parking lot ng naturang mall.
Isang kakilalang newsman ang nagreklamo na makalawang beses na siyang nabiktima ng mga carnappers. Natangay ang kanyang kotse habang siyay mago-grocery. Inireport nya ang kaso sa pulisya at makaraan ang dalawang buwan ay natagpuan ang sasakyan niya na natsap-chop na. Ang kanyang F-E 150 van naman ang natangay habang naka-park ito sa harapan ng isang ospital sa Quezon City. Hanggang ngayon ay wala pa ring report tungkol sa kanyang nawalang sasakyan.
Bakit patuloy ang operasyon ng mga carnappers? Ano ang ginagawa ng kapuli- san para masawata at masulusyunan ang problemang ito?