Lalong binabatikos ang Comelec dahil sa ginaganap na bilangan ng National Board of Canvassers sa kongreso. Sabihin mang may bahid ng pulitika ang nagiging takbo ng kaganapan dito, ang Comelec ang lagi nang pinagtutuunan ng paninisi. Kulang na lamang sabihin na ang Comelec ang nasa likod ng mga pandaraya.
Kawawang-kawawa ang Comelec lalo na si Chair- man Ben Abalos. Nagkasakit tuloy. Subalit, ganyan talaga ang pulitika dito sa atin. Patibayan lamang ng dibdib at mukha. Marami pang sasalaging problema si Abalos.
Isa pang nakikita kong magiging pagsubok ni Abalos ay kung papaano haharapin ang isyu ng over-spending ng mga kandidato. Walang naniniwala sa mga inihayag na campaign expenditures ng mga kandidato. Paniniwalaan nga ba ninyo na si GMA ay gumastos lamang ng P333 million? Sabi ng mga eksperto, para manalo ka o gumanda ang laban mo sa pagkapangulo, dapat na gumastos ka ng hindi bababa sa P2 bilyon. Tingnan natin kung papaano hahawakan ng Comelec ang kontrobersyal na isyung ito.