Editorial decision natin na bigyang diin ang mga karumal-dumal na pangyayaring ito. Magbasa kayo ng diyaryo, broadsheet man o tabloid at ang laman ay tungkol sa pulitika. Lubhang nalilihis ang ating pansin, at ang konsentrasyon natin ay sa "constipated" na canvassing ng mga boto para sa presidente at bise presidente sa Kongreso. Buti na yung fully aware tayo sa gawain ng mga kriminal if only to alert our police authorities na dapat lalung maging vigilant laban sa ganitong mga criminal activities. Baka sa pagkakatuon ng pansin ng bansa sa mga political developments, magsamantala naman ang mga masasamang loob na ang tangkay maghasik ng ligalig. Posible rin na ang mga kabi-kabilang pamamaslang na ito ay may kaugnayan din sa mga pangyayaring politikal sa bansa. Maaaring itoy pagpapakita ng galit ng ibang sektor ng lipunan sa mabagal na bilangan ng mga boto.
Halimbawa, nitong linggong ito, napabalitang may death threat sina Senate President Franklin Drilon, House Speaker Jose de Venecia at Maguindanao Rep. Didagen Dilangalen. Masyadong naiinip na ang taumbayan at siguro, may mga maiinit at matapang na sektor ng lipunan na naghahayag ng ganyang banta upang ibulalas ang kanilang matinding galit at pagkainis. Sanay hindi seryoso ang banta. Ang ipinagtataka ko lang, bakit hindi isinama sa banta si Sen. Aquilino Pimentel na humalili kay Dilangalen sa pagsagka sa ginaganap na canvassing?
Whew! masyado nang naka-focus sa politika ang gobyerno pati na ang sumusubaybay na taumbayan. Sanay matapos na ang mga sigalot na ito at mairaos ng mapayapa ang canvassing at proklamasyon ng bagong Pangulo.