Kinakailangan lamang na ang grupo o asosasyon ay rehistrado sa Securuties and Exchange Commission (SEC) o Cooperative Development Authority (CDA). Ang bilang ng miyembro ay hindi bababa sa 30 katao at hindi hihigit sa 250.
Ang nasabing grupo o asosasyon ay kailangang anim na buwan mula nang ito ay inirehistro. Ang lahat ng miyembro rito ay kailangang aktibong miyembro ng Pag-IBIG, may kasalukuyang trabaho at kinakailangan dumalo sa seminar na idinadaos ng Pag-IBIG para sa mga aplikante ng Pag-IBIG Housing Loan.
Ang halaga ng Housing Loan ng asosasyon ay batay sa kabuuang halaga ng maaring mautang ng indibidual na miyembro ng Pag-IBIG. Ang proseso ng aplikasyon ay batay sa mga alituntunin ng Consolidated Guideline on Housing Loan Program.
Ang nahiram na halaga ay direktang babayaran sa may-ari ng lupa o kontraktor ng ipapatayong mga bahay.
Sa karagdagang detalye, maaari po kayong tumawag sa 811-4401 local 244 o maari po kayong magsadya sa 7th Floor, Loans Origination Department, Pag-IBIG, Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City.