Wala raw silang karapatang umistambay dito kaya kinakalabit nila ang Comelec.
Sabi ni Isko sa mga kuwago ng ORA MISMO, dapat nasa 50 metro ang distansiya ng mga pulis kagaya ni Ibay sa canvassing area.
Ika nga, hindi sila dapat nakadikit dito.
Ang mga itinalagang tauhan lang ng Philippine Marines ang dapat malapit sa canvassing area ng stadium para magmintini ng peace and order sa mga urot.
Noong Biyernes, sabi ni Isko sa mga kuwago ng ORA MISMO, nag-surprise visit sila sa canvassing area ng stadium at kitang-kita nila si Liberty sa isang kuwarto sa mismong canvassing area na may pinupulong.
Ang ginagawa raw ni Liberty sa nasabing lugar matapos silang sitahin ng grupo ni Isko ay nagluluto ng tsibog para pagkain ng mga canvassers at nagliligpit ng basura.
Napakamot ng ulo si Isko, dahil nagtataka siya kung ano ang niluluto ni Liberty at kailan daw ito naging basurera?
Nagtataka kasi si Isko dahil City Treasurer si Liberty pero tumatayong cook at basurera, he-he-he!
Nanalo ba si Isko sa eleksyon? tanong ng kuwagong lasing.
"Topnotcher ito sa konsehal, sagot ng kuwagong manunulat.
Ano ang pinuputok ng butchi nito kina Ibay at Toledo?
Hindi raw dapat sila nasa loob ng canvassing area sa Ninoy Aquino Staduim sagot ng kuwagong Kotong cop.
Mas maganda pa magsampa sila ng kaso sa dalawa para masagot ito.
May kaso na nga raw, anang kuwagong SPO-10 sa Crame.
Ito ang abangan natin sa mga susunod na araw.
Tama ba si Isko at Atong?
Ang Comelec ang may final say diyan, lagapot.