"Ang KFC Chicken Fillet laway'

NAPANOOD N’YO NA BA YUNG BAGONG ADVERTISEMENT SA TELEBISYON NG KFC CHICKEN FILLET?

IMPOSSIBLE NAMANG HINDI PA. PUTRIS, LAMPAS ISANG MILYONG PISO YATA ANG HALAGA NG MGA AD PLACEMENTS NITO.

Napakaraming nagreact ng maglabas ng outdoor advertisement (billboards yun, pare ko.) ang Distelleria Limtuaco tungkol sa Kinse Años na advertisement. Malaswa daw. Kinasuhan pa ang mga gumagawa ng brandy na ito. Pati na yata ang Advertising Agency na may hawak na ito. Sinakyan pa nga ng ilang politico. Bandang huli, pinalitan ito.

Anong ibig sabihin nito? Public Perception and opinion plays a vital role that can be very potent. So powerful that it can force big companies to change and follow public clamor.

Itong bagong advertisement ng Kentucky Fried Chicken, Chicken Fillet, kung saan mapapanood natin ang dalawang estudyante (Oo, students sila. Di ba sa school campus nga ang setting) ay makikitang nag-uusap.

Darating yung isa na may dalang Chicken Fillet sandwich at ipapakita sa kanyang kaibigan. "Tignan mo ito, bago sa KFC, Chicken Fillet. Merong lettuce na, may pepper mayo pa…Gusto mo? Sagot nung kaibigan na parang gusting tikman…"Oo ba!" Ang ginawa nitong lalakeng may hawak ng sandwich, DINILAAN NG PATAAS AT PABABA YUNG SANDWICH.

Pinuno ng laway. Yaks. Di ba nakakadiri ito? Kung hindi pa kayo nasusuka, eto pa. Umiinom yung isang guy ng ice tea. Nauhaw yung lalakeng may KFC Chicken Fillet. Nagtanong kung pwedeng makiinom. Ginawa nung isa, hinipan yung straw, pinabula yung ice tea para mapuno ng laway.

Tanong! Ganitong uri bang advertisement ang dapat pag-aksayahan ng milyong piso? Ito ba ang gusto nating ugali na matutunan ng ating mga anak? Hindi ba itinuturo sa eskwelahan (pagmasdan niyo na school campus ang venue ng ad) ang pakikipag-kapwa tao. Kaswapangan ba o kababuyan ang gustong iparating ng KFC sa kanilang mga customers?

Kung yun ang pakay nila, nagtagumpay na sila.

Masarap ang KFC Fried Chicken. Sigurado kong masarap din ang kanilang bagong produkto. Ngunit, pinagbawalan ko ang aking mga anak at pati na rin ang aking mga kaibigan, at kayo na rin, na di dapat palampasin ang ganitong kababuyan na napapanood ng ating mga kabataan. Nang ating mga anak.

TELEVISION IS A VERY POWERFUL MEDIUM. AUDIO-VISUAL YAN! YOU WOULD THINK THAT THE PEOPLE BEHIND KFC WOULD HAVE MORE SENSE, MORE FINESS AND GOOD MANNERS TO LET AN ADVERTISEMENT PASS SUCH AS THIS ONE.

Maraming approach ang maaring gawin. Bakit ito ang pinili nila. Lawayan ang sandwich at ice tea. Dapat ang title ng produkto nila ay KFC LAWAY SANDWICH. Tanong ulit: Hindi kaya kapag kumakain na kayo ng KFC Chicken Fillet maalala n’yo yung advertisement nila at masuka kayo. Sayang lang ang pera n’yong ibinayad na pambili. Nagtatanong lang po. The Advertising Board should be very strict in policing their own ranks. It is bot enough that they are strict with sexy girls and obscene advertisements but they should also be on the look out for ads that gives us the wrong signals on value formation.

Dapat sa magkakaibigan, magbigayan, mag-share, magpakita na pakikisama at kagandahang asal. Ano ang dating sa inyo ng advertisement na ito? Hindi ba maling "signal" ang nakukuha natin sa patalastas na ito?

Pagmasdan n’yo ang ibang advertisement ng mga food chains na nagtitinda ng Chicken. Hindi ba’t maganda ang dating? Mas gaganahan ka ngang bumili. Pagkatapos n’yong mapanood yung ad, parang gusto niyo agad lumabas para bumili dahil mukhang mas pinasarap nung ad na nakita natin. Hindi ba?

That is the whole idea of advertising. Creating the need for the product. The craving to try a new one that’s being introduced in the market. Eh, itong KFC Chicken Fillet? Puro laway ang prinopromote.

Wholesome ba ito. Ginanahan ba kayo, enough for you to get off your seat and buy the KFC Chicken Sandwich.

Yung boxing match ni Pacquiao-Marquez, ang daming beses inilabas yung ad na ’yan. Minalas yata si Pacquiao dahil nasuka sa advertisement ng KFC Chicken Fillet. Kita niyo, nadaya tuloy. Sa halip na manalo, draw lang ang nakuha.

Nasaan na ang mga Cause Oriented Groups? Mga self-appointed guardians ng ating morality? Napagod ba sa kababantay sa COMELEC?

Ine-ere pa rin ang ad na ito. Panoorin n’yo at kayo na ang humusga kung may punto ang inyong lingkod.

PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS, MAAARI KAYONG TUMAWAG SA 7788442. MAAARI DIN KAYONG MAGTEXT SA 09179904918.

Show comments