"Para sa mga Manggagawa..."

NAGPAHAYAG ANG HANAY NG OPOSISYON NA "CALLED-OFF" MUNA ANG NAUNA NANG PLINANONG MALAWAKANG RALLY SA EDSA NA GAGANAPIN SANA SA MAYO 1, LABOR DAY.

Miyerkules ng nakaraang linggo nang ipahayag ni Alyansa ng Pag-asa spokesperson Jaime Galvez-Tan na ang isasagawang malawakang rally ay bilang protesta sa walang patumanggang paglustay ng administrasyon ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo sa kaban ng bayan na ginagamit "diumano" sa pangangampanya nito upang masiguro ang patuloy na pag-upo sa Malakanyang sa panibagong anim na taon.

Kaugnay din nito ay di nakapagtatakang nakianib ang iba pang keyplayers sa darating na halalan at nagpahayag ng pagsuporta sa nasabing kilos-protesta. Kabilang dito si Eddie Villanueva ng Bangon Pilipinas, Raul Roco ng Alyansa ng Pag-asa (bagamat kasalukuyang nasa Amerika pa rin para sa hindi pa rin natatapos na health examination niya), Fernando Poe,Jr. ng KNP, BAYAN MUNA, at iba pang mga grupo na ayon na rin kay Galvez-Tan ay siguradong susuporta sa panawagang pagpoprotesta.

Kapunapunang hindi yata positibo ang pananaw dito ni Sen. Panfilo Lacson. Nagpahayag itong si Ping na ang kilos-protestang ito ay maaring magbigay daan umano sa isang OPLAN NO-EL, O, NO ELECTION!

May "substance" ba ang sinasabi ni Sen. Ping at maari bang mangyari ito? Bakit hindi na lang hintayin ang Mayo 10 para magkaalaman na? Ayon sa senador mas makabubuti sa fellow presidentiables niya na atupagin na lamang ang pangangampanya at dito nila ipahayag ang lahat ng kabulukang dapat na mawala mula sa kasalukuyang administrasyon.

Gaya ng sinabi ko na nun, mabuti na lamang at nagdesisyon ang grupong ito na ipagpaliban na lang muna ang plinanong kilos-protestang ito. Mahirap makipagsabayan sa mga Labor Groups na marami ang "following." Isa mo pa ang mga supporters ng mga presidentiables, aba isang MAMMOTH CROWD ang tatamban sa ating lansangan. Napaka "volatile" ng scenario na ito. Maaring kunin ang pagkakataong ito ng mga taong may mga maiitim na balak, mga mahilig nanggulo upang isulong nila ang kanilang pagiging "adventurism" at ang kawawa na naman ay ang taong bayan.

Ang Mayo 1 ay inilalaan naman dapat talaga sa mga manggagawa. Bakit naman kailangang ipagkait pa ang iisang araw na ito sa buong taon para naman maparangalan ang ating mga dakilang manggagawa. Kung magkakaroon man ng mga kilos-protesta sa araw na ito ay magiging katanggap-tanggap kung ito ay patungkol sa mga problemang kinakaharap ng ating mga manggagawa. Lalung-lalo na ang hinihinging "wage hike."

Hindi rin naman yata kapanipaniwala na hindi pulitika ang dahilan ng panawagang ito para sa isang malawakang rally. Ngayon pa, na halos bilang na ang oras ng mga kandidato para sa araw ng halalan.

Maganda rin namang marinig mula sa Palasyo na hindi sila magiging sagabal sa planong ito ng oposisyon, huwag na nga lang daw sanang humantong sa punto na magiging "violent" ang mga protesters. Ano ba ang kahihinatnan ng pagpoprotestang ito? Ang layunin ng mga nagkaisang PRESIDENTIABLES mga iba pang lumalahok sa halalan na nagmumula sa opsisyon ay para ipakita ang kanila "displeasure" sa diumano’y paggamit ng pondo ng bayan upang isulong ang kandidatura ni PGMA at ng kanyang partido.

Naniniwala ako na sangkap ng isang demokrasya ang pagkakaroon ng kalayaang makapagpahayag lalo na sa mga isyung sangkot ang buong bayan. Kailangan lamang ay mag-ingat na hindi masingitan ng mga "infiltrators" na iba naman ang gusto.

Para na akong sirang plaka sa pagsasasbi na itaas ang antas ng kampanya at hindi yung batuhan ng putik. Nagulat din ako ng Makita ko si Vice President Teofisto Guingona na lumabas sa isang "paid advertisement" na nagsasalita na "palitan na ang drayber na dadalhin lamang tayo sa imburnal." Okay na sana ang isyu tungkol sa "corruption" at ang mga nakikitang backdrop na mga headlines ng dyaryo tungkol sa mga isyu na ginagamit ni PGMA ang pondo ng bayan para sa kampanya niya.

Akala ko ba sinabi ni Ronnie Poe na, "he will not resort to mudslinging." Baka naman hindi na-preview ni Da King ang political-ad na ito?

Bukas daw ay darating na si Raul Roco. Marami ang nag-aantay upang malaman ang tunay na kalagayan ng kalusugan ni Raul. Naging tikom ang bibig ng lahat ng kanyang mga kapartido. Pati ang ospital kung saan nagpatingin (nagpagamot ba?) ay ayaw sabihin. Tuloy, ang dami ng spekulasyon ang mga nagsilabasan. Iba rin na manggaling kay Raul kung ano ba talaga, kuya Raul.

Naglabas ng "exit poll" result mula sa mga botante sa Hong Kong. Nanguna si PGMA at si Bro. Eddie Villanueva ang pumapangalawa. Tila lumakas ang suporta ng tao kay Bro. Eddie V. Ayaw ni Eddie Gil niyan!

PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS, MAAARI KAYONG MAGTEXT SA 09179904918. MAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA 7788442.

Show comments