Itinatakda ng batas o ng Republic Act 7742 na mandatory ang pagmimiyembro sa Pag-IBIG. Nagsimula ang programang ito noong 1978, sa pamamagitan ng PD1530. Mula noon, humigit kumulang pitong beses na itong sumailalim ng pagbabago sa administrasyon ng pondo, sa ahensiyang dapat mamahala ng pondo at sa halaga ng kontribusyon.
Kabilang sa mga benepisyo ng miyembro ng Pag-IBIG Fund na malaki ang tulong sa programa ng pabahay ng kasalukuyang administrasyon ay ang Rent-to-Own Program at Housing Loan Program. Sa ilalim ng Rent-to-Own Program, layunin ng Pag-IBIG Fund na matugunan ang pangangailangan sa pabahay ng mga miyembro nitong may mababang sahod. Pinauupahan ng Pag-IBIG Fund ang mga bahay na pag-aari nito sa loob ng limang taon. Sa loob ng panahon na ito, maaaring bilhin ng nangungupahan ang bahay sa pamamagitan ng pagkuha ng housing loan mula sa Pag-IBIG.
Ang Housing Loan Program naman ay naglalayong magbigay ng tulong pinansiyal sa mga miyembro nitong nais bumili ng bahay, lupa o di kayay bahay o lupa, maaari rin itong gamitin sa pagpapatayo ng bahay sa lupang pag-aari ng miyembro o kayay pagpapaayos ng bahay. Maaari ring gamitin ang Housing Loan para sa refinancing ng isang utang sa ibang institusyong katanggap-tanggap ng Pag-IBIG.
Ang Rent-to-Own at Housing Loan Program ay ilan lamang ng mga benepisyo miyembro na maaaring gamitin ng mga miyembro para sa kanilang mga pangangailangan sa pabahay. Para sa karagdagang impormasyon sa mga programang ito, makipag-ugnayan sa inyong pinakamalapit na pag-IBIG Branch.