Ganun din sa mayayamat malalakas na bansa. Nung 1996 pitong gobernador sa US ang naging kapansin-pansin. Puro sila edad 45-50. Sa pamumuno nila sumigla ang ekonomiya ng kani-kanilang state, dahil sa mga reporma na nag-udyok ng investments.
Sa Japan nung 2002 anim na batang gobernador ng prefectures ang nanalo. Sinuway nila si Prime Minister Koizumi, na puro pangako lang ng repormang napapako. Puro sila independents; walang kinauutangang-loob na partido o padrino. Nilabanan nila ang abusadong pulis, mauusok na pabrika, at mapaniil na mga banko. Umunlad ang mga pook nila.
Si Mar, bantay-presyo sa palengke ang pangunahing ginawa bilang Secretary of Trade. Si Kiko, paglilinis ng hudikatura ang inaatupag. Si Neric, mga isyung pangkalikasan; si Joel, kampanya kontra katiwalian. Sina Jesse at Francis, katahimikan at kaunlaran ng Naga at Tagaytay.
Marami pang kabataang mahuhusay din. May mga gobernador at mayor, mga bise, konsehal at provincial board members na nagpapasigla ng turismo o sakahan, kalakal at kalinisan sa kani-kanilang lugar. May mga senador at kongresista na nakatuon sa edukasyon at kalusugan.
Pero kung tutuusin, karamihan ng mga nasa pamahalaan ay mga matatanda pa rin. Halos sarado ang sistema sa mga batadahil sa laki ng gastos sa halalan o sa pananaw na matatanda lang ang may alam. At maraming batang opisyal ay nilalamon ng sistema kapag napuwesto na. Ito yung mga anak-politiko na ang natutunan ay kung paano abusuhin ang podertulad ng mga nagtangkang i-impeach si Chief Justice Hilario Davide.
Ganunpaman, mababago ang sistemat kalagayan ng mamamayan kung mas maraming bata ang maipuwesto. Piliin lang sila.