Noong nakaraang buwan, pinangunahan ni President Arroyo ang pinakamalaking proyekto sa pabahay ng Armed Forces of the Philippines na tinatawag na Bonifacio Heights.
Ang proyektong ito ay itatayo sa pitong ektaryang lupa sa Fort Bonifacio, Taguig. Mahigit na 2,000 sundalo ang magiging benepisyo ng proyektong ito. Napakaganda ng lokasyon nito dahil nasa likod ito ng Forbes Park at Dasmariñas Village.
Ang Bonifacio Heights ay sama-samang proyekto ng Housing and Urban Development Coordinating Council, Armed Forces of the Philipines at ng DMCI Homes, isang pribadong developer.
Ang nasabing developer ang magtatayo ng Medium Rise Building sa kanyang sariling pondo at babayaran lamang ito ng benepisaryo pagtinake-out niya ito. Sa tulong ng Home Mutual Development Fund o Pag-IBIG. Ang mga aplikante ditong sundalo ay mabibigyan ng special window para sa kanilang loan take-out.
Ang pinakamababang halaga ng yunit ay nasa P630,000 hanggang P930,000. Ang amortisasyon ay maaaring mabayaran hanggang 30 taon.