Naiulat sa ngayon ay may dalawang milyong Pilipino ang overweight at halos kalahati sa bilang na ito ay itinuturing na morbid obesity. Ito ay very alarming. Maraming sakit ng alta presyon, diabetes at iba pang komplikasyon ang dumadapo sa mga taong sobra ang taba.
Bukod sa pag-eehersisyo ay may ipinapayong diet para sa mga matataba. Marami ang nahihirapang magdiyeta pero ito ang kailangan para bumaba ang kanilang timbang. Hindi lang matatanda kundi paslit ay may obesity. May mga programa para ma-reduce ang taba nila na inihanda ng kanilang mga pediatrician.
Sa mga gustong magpabawas ng extra bulge ay andiyan ang liposuction. Meron ding pinapayuhang sumailalim sa tinatawag ng surgery kung saan ay pinaiikli ang bituka na tambakan ng mga pagkain ng katawan pero hindi lahat ay puwedeng operahan. Ehersisyo, wastong pagkain at lifestyle at pangangalaga ng kalusugan ang kailangan para maiwasan ang maging overweight.