Matapos ng pagpapahayag, wala nang sumunod pang pagbabalita tungkol dito. Ano ang nangyari? Ni ho, ni ha ay walang narinig sa Malacañang. Nagkamali ba si GMA o baka naman may nagawang pagkakamali si Nazario na hindi maaaring mapatawad ng Malacañang? Bakit biglang nawala ang appointment paper niya? May kinalaman ba ang pagbawi ng pagtatalaga ni Nazario bilang bagong Associate Justice ng Supreme Court sa kaso ni dating Pangulong Erap sa Sandiganbayan na pinamumunuan noon ni Nazario?
Napakaraming katanungan tungkol sa pagbawi ng appointment ni Nazario. Unfair ito kay Nazario dahil 40 taon na siya sa serbisyo. Hindi rin ito maganda para kay GMA. Urong-sulong siya kung mag-desisyon.
Wala pang ibinibigay na dahilan ang Malacañang sa naganap na pagbabago ng desisyon kay Nazario. Sana ay hindi patagaling nakabitin ang pagpapaliwanag sa napakasensitibong bagay na ito para maiwasan ang mga maling paniniwala lalo nat malapit na ang eleksyon.