"Mga sulat sa aking email"

MGA NATANGGAP NATING EMAIL AY BIBIGYAN NATIN NG DAAN UPANG MATUGUNAN ANG MGA REKLAMO NG ATING MGA KABABAYAN. HINIHIKAYAT KO KAYONG MAGPADALA NG SULAT SA AKING EMAIL PARA MAILAGAY KO NG BUO ANG INYONG REKLAMO. SA INYO PO GALING ITO, HINDI PO SA AMIN.

Dear Sir:


It seems na para bang hindi pinakikinggan ni Sec. Leandro Mendoza ang mga isinulat ninyo tungkol sa anomalya sa bidding ng mga Opacimeters at Gas Amalyzers. Nais ko lamang idagdag, merong miembro ng Bidding Committee na nagresign dahil marami ng nakulimbat na pera at ngayon ay tumatakbong Congressman para sa isang distrito. May maganda siyang bahay na worth 30Million pesos at panay ang bigay niya ng pera sa mga tao para mahalal siya. Marami ng bidding ang naganap sa Land Transportation Office nung 2003 kadalasan ay naibibigay ito sa mga may mga koneksyon sa loob ng Agency.

Sa Lipa, Batangas din, meron mga bidding na kunwari lamang subalit ang mga nanalo ay mga kamag-anak lamang ng isang politiko dahil meron silang mga tinatanggap na porsiento sa mga kontrata na ibinibigay nila.

Secretary siya ng DOTC at ang LTO ay isang ahensya na nasa ilalim ng kanyang kapangyarihan.

(name and email withheld upon request of sender)
* * *
Sir Tony:

Ang mga squad ng LTO na nanghuhuli ng mga FX transport system at mga iba pang AUV’S na nagdadadala ng pasahero sa iba’t ibang parte ng Metro Manila, ay kadalasan nasa ilalim ng mga flyovers, skyway at kapag nahuli ka at hindi ka naglagay ng P1,500, mapipilitan kang magmulta ng P6,000 pesos.

May mga patong din sila at hindi ko alam kung ito’y may "blessing" ni NCR Director Nestorio Gualberto, chief ng NCR-LTO, kaya ang ginagawa ng mga ito? Umiikot sila hanggang sa mga karatig na probinsya gaya dahil itong mga transport groups na ito ay pumapasok sa Metro Manila. Dapat ipatigil niya ito dahil nagtratrabaho lang naman kami. Kaya ang aming association ay walang magawa kundi magbigay sa kanilang hinihingi, lingo-linggo. Sana matigil na ito.

(name and email address requested to be withheld)


MARAHIL HINDI ALAM ITO NI DIRECTOR NESTORIO GUALBERTO. PARARATINGIN NA RIN NAMIN ANG INYONG REKLAMO SA KANYANG OPISINA.

("CALVENTO FILES")
* * *
Dear Sir Tony,

ISANG COMPUTER TEACHER NANG RAPE NG 3RDYR HIGH SCHOOL NG PATEROS CATHOLIC SCHOOL GUSTO KO SANANG KAYO ANG MAG IMBISTIGA AT ILAGAY SA DYARYO AT PARA MALAMAN NA RIN NG DECS ANG MGA KATARANTADUHAN NG MGA TEACHER DOON ......MARAMING SALAMAT PO.

P.S. WAG NYO PONG BABANGGITIN NA MAY NAG EMAIL NITO SA INYO.......THANKS PO ULIT SIR TONY......

NANAWAGAN KAMI SA DECS PATI NA RIN SA MGA KINAUUKULAN NA IMBISTIGAHAN ANG SUMBONG NA ITO. KUNG MAY KATOTOHANAN NGA ITO, DAPAT MAKASUHAN ANG MGA MAY SALA AT KUNG ITO NAMAN AY WALANG BASEHAN, MALINIS AGAD ANG PAARALANG BINANGGIT.

"CALVENTO FILES"
* * *
Magandang araw Mr. Tony Calvento nais ko lang iparating sa inyo ang hinaing naming mga taga bukid dito sa barangay Tenejero Poblacion Pulilan Bulacan sa dahilan ng MASAMANG AMOY na lumalabas galing sa compound ng TYSON AGROVENTURES pati din ang pagdaan ng trak ng basura na bulok na bituka ang laman ang plaka po ay WNU-288 green po kulay ang TYSON AGROVENTURES ay malapit sa bahay ng vice mayor pero mukhang sarado ang ilong sa pang amoy sabagay laging aircon ang kanyang kotse paano naman kaming mahihirap na laging lumalanghap ng sariwang hangin gusto po namin na ilagay nila sa ayos ang lahat ng hindi sumisingaw ang mabahong amoy na binabasura nila yun lang po sana hindi kayo tulad ng mang Tulfo na walang inaksyon sa hinaing namin pakiusap pakitago po ang aking e-mail address magandang araw po Mr.Tony Calvento

PARA SA ANUMANG REACTIONS OR COMMENTS, MAARI KAYONG TUMAWAG SA 7788442. MAARI DIN KAYONG MAG-TEXT SA 09179904918.

Show comments