Paano ito ipinaliwanag ni Jesus sa kanila? Basahin ang Mateo 9:14-15.
Lumapit kay Jesus ang mga alagad ni Juan Bautista at ang wika, "Malimit kaming mag-ayuno, gayon din ang mga Pariseo. Bakit po hindi nag-aayuno ang inyong mga alagad?" Sumagot siya, "Maaari bang magdalamhati ang mga panauhin sa kasalan habang kasama nila ang lalaking ikakasal? Kapag wala na siya, saka pa lamang sila mag-aayuno."
Si Jesus ay magpapakahirap sa bandang huli ng kanyang buhay. Kapag namatay, siyay mabubuhay na muli at babalik sa langit. Iyon ang panahon na ang mga alagad ay mag-aayuno. Mag-aayuno sila upang tularan si Jesus.
Para sa ating mga sarili sa buong panahon ng Kuwaresma, tayoy nag-aayuno lamang at hindi kumakain ng karne sa panahon ng Miyerkules ng Abo at sa Biyernes Santo. Sa mga Biyernes ng Kuwaresma ay hindi tayo hinihingan na mag-ayuno at hindi kumain ng karne. Kung tayo namay mag-aayuno at hindi kakain ng karne sa mga Biyernes ng Kuwaresma, iyon ay sa sariling kusa at pagpapasya na lamang natin.Tayo ay nag-aayuno bilang pagpapakita ng ating pagmamahal sa ating Panginoon.Tinutularan natin siya, sa ating munting paraan, sa pamamagitan ng pag-aayuno at hindi pagkain ng karne. Maaari rin tayong mag-ayuno sa pamamagitan ng hindi paninigarilyo, hindi panonood ng sine, o sa pagbabawas ng ating panahon sa panonood ng telebisyon.