Maraming dahilan kung bakit pinupulikat. Maaaring dahil sa dehydration kung sobra ang pagpapawis dahil sa pag-eehersisyo lalo na kung ang panahon ay masyadong mainit o humid. Kapag ang pulikat ay nangyari pagkatapos ng ehersisyo, ito ay dahilan sa gradual buildup ng lactic acid kaugnay ng muscle activity. Ang pag-inom ng isotonic drink ay makatutulong para mapalitan ang nawalang fluid at salts sa katawan. Para maiwasan ang dehydration, uminom nang maraming tubig bago at pagkatapos ng ehersisyo. Uminom ng 1 liter ng tubig per hour ng inyong pag-eehersisyo.
Kung nagkaroon kayo ng cramp, masahehin ang bahaging apektado o i-stretch. Pero pinaka-mahusay pa ring panlaban sa cramp ay ang tamang nutrition.
Ang vitamin B2 na matatagpuan sa breakfast cereals, yoghurt, lean meat, ay mahusay sa cramps na sumasalakay sa mga taong diabetic o babaing nagbubuntis. Mahusay sa leg cramps ang mga dairy products, sesame seeds at sardinas. Makatutulong din ang magnesium.
Ang pagkain din ng mataas sa Vitamin E ay makatutulong para ma-improve ang poor circulation na nagiging dahilan ng cramp. Ang pagkain ng isda, itlog at pork ay mahusay din sa cramp.
WHATS UP DOC?
Dr. Tranquilino Elicaño Jr.
Pilipino Star NGAYON
202 Railroad cor. R. Oca Sts., Port Area, Manila