Sinasabing ang masa ang nagdedesisyon kung sino ang magiging Presidente; ang middle class ang nagdedesisyon kung mananatili ang Presidente sa puwesto. Angal ng mga umanoy nag-iisip na botante, 35% ng electorate ay mangmang, nahuhumali sa celebrity, at nagbebenta ng balota. Ito raw ang mga sumuporta kay Erap, at kumakampanya kay FPJ.
Kung gayoy 65% ang maituturing na matalinong botante. Dangan nga lang ay sobra silang tanga para magkaisa at itaguyod ang kapakanan ng mas nakararami. Hayan at nag-aalala sila na baka manalo si FPJ. Mauulit na naman daw ang nangyari nung panahon ni Erap: Kawalan ng direksiyon, puro raket ng mga crony. Kaya nangangarap na magsanib na sana ng puwersa sina GMA at Roco. Kung pagbabatayan daw ang huling SWS survey, makaka-46% ang pinagsamang rating nila, kumpara sa 36% ni FPJ.
Yun nga lang, nagtuturuan sina GMA at Roco kung sino dapat ang umatras. Kesyo si GMA raw ang magbigay, kasi naunang nangampanya si Roco. Kesyo si Roco raw dapat, kasi ni hindi makabuo ng tiket.
Sa huli, pera ang magdidikta kung sino ang aatras at mananalo sa halalan. Pahabaan ng pisi. Kailangan daw ng P2 bilyon para manalo. Mahigit kalahati nyon ay magagasta sa kampanya eroplano, polyetos, palabas. Ang matira ay para masigurong mabibilang ang boto. Hihirang ng anim na watcherdalawa bawat shift sa 230,000 polling precincts at canvassing sa 1,500 kapitolyo at munisipyo.
Ayon sa mga eksperto, di lalampas sa isang dosenang malalaking negosyante lang ang inaasahang pumondo sa mga kandidatong pagka-presidente. Lumalaro sila. Nagbubuhos sila ng pera batay sa kung sino ang nangunguna sa surveys tatlong linggo bago araw ng halalan.