Kung tawagin pala ng Manilas Finest si Tom Bio ay "all weather". Ibig sabihin, kahit sinong uupo na hepe ng WPD ay hindi natitinag si Bio sa kanyang trabaho bilang kolektor ng lingguhang intelihensiya nga. Tulad sa ngayon, ika nga sa kape, 3-in-1 itong si Tom Bio, anang kausap natin. Sinabi ng kanyang kapwa pulis na si Tom Bio ang kolektor ng intelihensiya sa ngayon ng Station 6 ng WPD sa Sta. Ana, ng DILG ni Sec. Joey Lina at ng opisina ni NCRPO chief Dir. Ricardo de Leon. Kayat tiba-tiba itong si Bio sa ngayon, anang kapwa niya pulis sa WPD. Kaya hindi nagtataka ang mga magulang na nakausap natin kung bahit hindi man lang nininerbiyos sa kampanya ng NCRPO laban sa scalawags at misfits si Bio dahil sa lakas ng kapit niya, he-he-he! Subukan natin ang tibay ni Bio, di ba mga suki?
Kung sabagay, si Bio pala ay kasama sa stable ni Sr. Insp. Rene de Jesus, ang over-all tong collector ng WPD. Sinabi ng kapwa nila pulis na ang lumalakad pala ng intelihensiya para kay de Jesus ay si Bio para sa mga perya, at Insps. Tony Bangit, Teddy de Jesus at Angel