Pigilin ang pagtanda laban ang kanser ,pasiglahin ang sex life

(Una sa 2 bahagi)
HINDI mapipigil ang pagtanda ng tao subalit maaari itong maantala. Ang pinakabagong anti-aging technology ay sa pamamagitan ng non-invasive device na jade Nano-cera Mattress. Sa mga sumubok na ay napatunayan nila na nakakaranas sila ng ginhawa, made-delay ang pagtanda at matutuklasan ang lihim para matamo ang tinatawag na eternal youth.

Ayon kay Dr. Romy Orteza ng RR Rejumetion Clinic ng Santa Teresita General Hospital sa Quezon City, isang programa ang inihahanda sa bawat pasyente na magpapasigla sa memorya, mapanunumbalik ng mga naglahong anti-aging hormones at poprotektahan laban sa kanser at pinasisigla ang gana sa sex.

Si Allan Baltazar, 52, taga-Pasong Tamo, Makati ay may blood pressure na 200/120. Diabetic siya at palaging namamaga ang paa. Marami siyang nagastos sa pagpapa-doktor hanggang makausap niya an gisang naging pasyente nina D. Orteza na diabetic at may high blood din ang kaibigan niyang nagdala sa kanya sa klinika. Makaraan ang limang sessions ay bumuti ang pakiramdam niya. Nawala ang sakit sa kanyang dibdib. Nang magpakuha siya ng BP ay bumaba na sa 130/80. Bumaba rin ang blood sugar niya at nawala ang kanyang kaba at maga sa paa.

"Kung hindi sa Bantay Kapwa ng Pilipino Star NGAYON ay hindi ako gagaling sa sakit na tatlong taon ko na ring tinitiis," pahayag ni Susan Leva, 38, ng Mapulang Lupa, Valenzuela City. May migraine with aura si Susan. Pag sumasakit ang ulo niya ay nahihilo siya at nagsusuka. Isang guro si Susan at hindi siya makasulat ng matagal sa blackboard at matagal na nakatayo habang nagtuturo. Nang mabasa niya sa PSN ang tungkol sa jade Nano-Cera Mattress ay agad siyang tumawag kina Dr. Romy Orteza sa 7438767, 8001973, 0917919666 at 0918324065. Tatlong higa lang sa tinaguriang "miracle mat" ay nawala ang sakit niya sa leeg at braso. Di na sumasakit ang ulo niya at hindi na nasisilaw sa liwanag.

Show comments