Mayor Tsong natutulog na naman sa bahay ni Kris

ALAM n’yo bang nagkabalikan nang talaga sina Mayor Joey Marquez at Kris Aquino?

At alam n’yo rin bang si Mayor Tsong ay natutulog na naman sa bahay ni Kris sa Alabang, Muntinlupa City?

Ayon sa aking bubuwit, 119 days na lang at eleksiyon na.

Happy birthday muna kay Sen. Ralph Recto, Atty. Jun Laguilles, Soling Eclarinal, Dennis Sytin, Nida Sacar from Michael and Teng Sacar ng Marawi City.
* * *
Alam n’yo bang nagkikita pa rin sina Mayor Joey Marquez at Kris Aquino?

Ayon sa aking bubuwit, noong January 8, 2004, bago sumapit ang alas-dose ng hatinggabi ay nagpunta at natulog pa si Joey sa bahay ni Kris sa Buckingham St., Hillsborough Subd., Alabang, Muntinlupa City.

Naku, lagot ka Kris, isusumbong kita kay Presidentita Cory at Kuyang Noynoy Aquino.

Patay kang bata ka. Baka tanggalan ka ng mana niyan sa Hacienda Luisita. Kaya lang kahit wala nang mana si Kris sa laki ng kanyang talent fee ay hindi na gugutumin ’yan.

Ayon sa aking bubuwit, noong Huwebes ng gabi ay sumakay na si Mayor Joey Marquez ng Isuzu Crosswind. At ang naturang sasakyan na heavily tinted ay walang plate number.

Ang galing mo talagang magtago Tsong!

Ayon sa aking bubuwit, madalas na palang nakikita si Mayor sa bahay ni Kris.

At least ay dalawang beses sa loob ng isang linggo kung matulog doon si Mayor.

Kung nagpupunta roon ng dakong hatinggabi, siya naman ay umaalis ng bahay ni Kris bago sumikat ang araw.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, baka ngayong buwan ng Enero ay aalis na si Kris sa kanyang bahay sa Hillsborough. Kung hindi nagkakamali ang aking bubuwit, si Kris at Joshua ay aalis na sa kanilang bahay sa January 22.

Totoo kayang bibilhin naman ng kapatid ni Mayor ang bahay ni Kris?

Sa magkanong halaga kaya?
* * *
Ayon sa aking bubuwit, noong Sabado night, January 10, 2004 ay natulog na naman si Mayor sa bahay ni Kris.

Ang tindi mo talaga Tsong. Ang gandang lalaki mo.

Ano kaya ang sikreto ni Tsong at habulin ng mga chiching.

Ano ba ang style mo, idol?

Show comments