At ito na nga ang masaklap. Wala kang masyadong mapagpipilian sa hanay ng mga kumakandidato lalo na sa pagka-president, vice-president at pagka-senador. Ayon sa mga feedbacks na naiulat ko sa nakaraang kolum, lahat ng mga presidentiables at vice presidentiables ay hindi "ideal" na mga pinuno na makapagsisilbi sa bansa. Dahil kailangang bumoto, mapipilitan tayong pumili na lamang kung sinuman sa mga kumakandidato ang inaakala na maaaring makatupad sa ating mga hangarin para sa bansa. Sa mga senatoriables naman, iilan lamang ang maaaring pagkatiwalaan sapagkat karamihan sa mga tumatakbo ay sirang-sira na at ang iba naman ay walang "K" para maging senador.
Mga kababayan, may oras pa upang mag-isip. Hindi na dapat muling maloko at malinlang sa mga unggoy na pulitiko. Huwag ipagpalit ang inyong boto sa pera. Pumili ng taong makapagsisilbi sa bansa at sa mga mamamayan.