Napaka-makulay ng buhay at pag-ibig ni Rizal. Isinilang siya sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Bata pa si Rizal ay kinakitaan na siya ng katangi-tanging talino. Naging unang guro niya ang kanyang inang si Teodora Alonzo.
Nakapag-aral at nakapaglakbay si Rizal sa ibat ibang bahagi ng mundo. Sa Spain ay kasama siya ng mga kababayan na naglunsad ng propaganda movement para sa social and political reforms sa bansa. Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas noong 1892, dinakip siya at ipinatapon sa Dapitan, Mindanao. Sinampahan ng kasong treason at kasabwat sa rebolusyon na sumiklab noong Agosto 1896. Siyay nahatulang mamatay sa firing squad noong Disyembre 30, 1896 sa Bagumbayan, ngayon ay kilalang Luneta.